Sinurpresa ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang kaniyang nobyang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera nang mag-proposed ng kasal ang aktor sa live telecast ng dance show na "Marian" nitong Sabado.
Emosyunal naman na tinanggap ni Marian ang proposal ng nobyo na magbibigay katuparan sa inaabangan kasal ng Kapuso Power Couple.
Ginawa ni Dingdong ang proposal sa birthday celebration ni Marian sa show nito, kung saan guest din ang kaniyang ina, lola at ilang pang malapit na kaibigan; gayundin ang pamilya ng aktor.
Bago nito, nagsilbing taga-interview muna ang aktor kay Marian at nagpakita ng ilang larawan at video footage nila na nagpaiyak sa aktres.
Ayon kay Marian, handa niyang ibigay ang lahat kay Dingdong, kahit ilang anak at kahit na lumalaki pa ang kaniyang katawan.
Dahil sa ginawang surpresang ginawa ng aktor, nalaman na rin ni Marian kung bakit tila umiiwas itong makipag-ugnayan sa kaniya bago ang araw ng guesting nito sa programa.
Ipinaliwanag naman ni Dingdong na #LastDance ay nagsilbing huling sayaw ni Marian bago maging Mrs. Marian Dantes